KUNG DUWAG KA, HUWAG KANG MANOOD NITO
STRICTLY FOR 16 YEARS UP ONLY
Undas na naman.
Bisitahin mo raw sila, o sila ang bibista sayo. Ubusan na naman ng mga kandila at bulaklak. Mabagal na naman ang mga sasakyan at maingay ang mga kalsada. Mabubuo na naman ang mga pamilya para bumisita sa mga patay. Magpipiknik na naman sa sementeryo, may mga tinda na naman na uubos sa pera mo, baraha, alak, pansit, away, sayawan at magdamagang tambay na walang katapusan. May mga luha na namang pupunasan, pero mas maraming halakhak na maiwan. Masaya diba?
E kung balikan natin ang mga dahilan kung bakit sila nasa loob ng mga ataul ngayon? Alalahanin natin uli ang paraan kung paano sila naghingalo. Isipin uli natin ang itsura nila nung sila ay nagpaalam. Pakiramdaman uli natin ang mga huling hininga nila at mga dugong nasayang. Pag-usapan natin uli ang mga burol na halos hindi tayo makatulog paguwi ng bahay. Bisitahin natin uli ang mga ospital na malungkot, Tignan natin uli ang mga lubid na ginamit, mga kutsilyong duguan, mga kaluskos sa hagdan, mga boses na narinig sa gabi, mga mukha sa salamin, at mga sutsot na walang katapusan.
Undas na naman. Araw na naman ng mga patay.
