Nakakita ka na ba ng isa sa kanila?
Namaga na ba ang mga paa mo dahil natapakan mo sila? Nangati na ba ang buong katawan mo dahil sinira mo ang bahay nila?
Sila ang mga nagtatago sa ilalim ng buwan. Sila rin ang mga nakikinig sa mga panaginip mo sa ilalim ng iyong unan. Sila ang mga dahilan ng mga takot mo sa gabi, mga iyak mo sa dilim at mga pagtakbo mo sa iyong isip. Sasama ka ba? Kakain ka ba? Nagtatago lang sila.
Tuklasin ang mundo ng mga bagay na hindi mo nakikita, mga oras na hindi mo namamalayan at mga tinig na hindi mo maintindihan. Samahan mo kaming Umawit, tumawa at lumuha sa paglalakbay sa lugar na hindi mo pa nararating.
